JPAIR (Oct 2020)

Isang Pagsisiyasat sa mga Akdang Pampanitikan sa Ikaapat na Antas ng Batsilyer ng Elementarya at Edukasyon sa Paglinang ng mga Pilosopiyang Likas at Pagpapahalagang Moral na Ginagamit sa Pagtuturo sa Pamantasan ng Cabuyao

  • Rommel Mallari,
  • Edwin Paming

DOI
https://doi.org/10.7719/jpair.v42i1.808
Journal volume & issue
Vol. 42, no. 1
pp. 53 – 62

Abstract

Read online

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang maalaman ang “Isang Pagsisiyasat sa mga Akdang Pampanitikan sa Ikaapat na Antas ng Batsilyer ng Elementarya at Edukasyon sa Paglinang ng mga Pilosopiyang Likas at Pagpapahalagang Moral na Ginagamit sa Pagtuturo sa Pamantasan ng Cabuyao." Lahat ng tao ay may natatanging karanasan sa buhay at ang karanasang ito ang siyang batayan ng kanilang pananaw sa mundo. Ang kanilang pananaw sa mundo ang siya ring bumubuo sa kanilang pilosopiya. Kaya ang pilosopiya ay walang iba kundi ang kabuluhan ng daigdig para sa tao. Ito ang kanyang pagpapaliwanang at pagpapakahulugan sa mga pangyayari sa buong sanlibutan.

Keywords