SPAFA Journal (Mar 2020)
Raising heritage consciousness in Pinagbayanan, San Juan, Batangas, Philippines | Ang pagtaguyod ng kaalaman tungkol sa pamanang lahi sa bayan ng San Juan, Batangas
Abstract
Tuklas Pilipinas is a non-profit group whose mission is to promote heritage literacy in the Philippines. Tuklas developed a module for the general public to increase heritage consciousness about archaeological excavations in Philippine municipalities. The module incorporates concepts from Personal Interpretation (a method used for Heritage Interpretation) as well as activity-based lessons and lectures. Workshop participants: 1) gain additional knowledge about their local history; 2) connect the archaeology of their town to the archaeology of the region and nation; and 3) connect this with heritage protection. The purpose is to encourage locals to create their own programs for site tourism and protection. This module was first created and presented in 2018 in San Juan, Batangas, where Barretto-Tesoro spearheaded excavations of two stone-based houses and the old church complex in the old centre of San Juan from 2009 to 2012. By merging ideas from other disciplines such as Heritage Interpretation and Education, Tuklas produced an effective module that they hope to appropriately modify and use in other Philippine municipalities. The following discussion considers how the module was developed, its implementation, preliminary results and impacts, and challenges encountered in archaeological heritage advocacy. Ang Tuklas Pilipinas ay isang non-government organisation o NGO na ang misyon ay ipalaganap ang pamanang lahi ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagbuo ng modyul na maaaring gamitin ng karamihan sa isang workshop, lalo na ng mga tao na hindi archaeologists o akademiko, sinisikap ng Tuklas na maiangat ang kaalaman sa pamanang lahi ng isang lugar o bayan na may kaugnayan sa mga sistematikong paghuhukay o ‘archaeological excavations’. Ang modyul ay nakatuon sa paggamit ng konsepto ng ‘personal na interpretasyon’. Ito ay isang paraan para magbigay ng liwanag sa pag-unawa ng pamanang lahi. Kasama din sa modyul ang mga lektyur at mga leksyon na tinatawag na ‘activity-based’. Ang uri ng leksyon na ito ay tinatampok ang pagkilos at paggalaw ng mga kalahok at hindi nakatuon sa pagsulat at pagsasalita lamang. Ang mga kasali sa workshop ay magkakaroon ng kaalaman tungkol sa kasaysayan sa bayan nila, pag-aralan ang arkiyolohiya ng bayan kung saan sila nakatira at ang kaugnayan nito sa arkiyolohiya ng rehiyon at bansa; at ang pinakamahalaga ay ang maiugnay ang arkiyolohiya sa pangangalaga ng pamanang lahi. Ang layunin ng workshop ay hikayatin ang mga mamamayan na magbuo ng sarili nilang mga programa para sa pangangalaga ng archaeological site at upang payabungin ang turismo sa kanilang lugar. Ang modyul ay unang nilikha at ginamit noong 2018 sa San Juan, Batangas, kung saan si Barretto-Tesoro ay pinangunahan ang paghukay ng dalawang bahay na bato at ang lumang simbahan sa Pinagbayanan mula 2009 hanggang 2012. Sa pamamagitan ng pagsasama ng mga ideya mula sa iba pang disiplina tulad ng ‘Heritage Interpretation’ at Edukasyon, binuo ng Tuklas ang isang modyul na inaasahang gagamitin din sa ibang mga bayan sa Pilipinas. Tinatalakay sa papel na ito kung paano nabuo ang modyul, ang pagpapatupad nito sa workshop sa San Juan, ang resulta ng workshop, at ang mga suliranin na kinakaharap sa pagpapalaganap ng pamanang lahi na nakatuon sa arkiyolohiya.
Keywords