Kritike: An Online Journal of Philosophy (Jun 2010)
Isang Reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at ang mga Modelo ng Pamumuno sa Pilipinas”
Abstract
Kinukundisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibongpag-iisip bilang mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nitoang ating kilos at salita na syang kumakatawan sa ating pag-asa at mgapangarap para sa ating sarili at para sa ating bansa. Dahil nakatuon ang atensyon natin sa nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-usapan ang mga pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak na pag-mumuni-muni sa ating sosyoholikal at politikal na sitwasyon, na tila namang nambubuyo sa ating pakiramdam ng kabiguan. Talaga naman na ang panahon ng eleksyon ay parehong panahon ng pag-asa at kabiguan—kadalasa’y ang pangalawa ang nananatiling realidad ng mga Pilipino!