Social Science Diliman (Dec 2011)

Herman Paul. (2011). Hayden White: The Historical Imagination. Cambridge: Polity Press [204 pp.]

  • Ariel C. Lopez

Journal volume & issue
Vol. 7, no. 2
pp. 103 – 106

Abstract

Read online

Ang akdang ito ni Herman Paul ay isang kritikal na pagsasakasaysayan(historicization) ng mga ideya ni Hayden White na maibibilang sapinakamahahalagang pilosopo ng kasaysayan ng kontemporaryong panahon.Si White ay tanyag bilang simbolo par excellence ng postmodernistang kasaysayan na reaksyon laban sa noo’y, at hanggang ngayo’y, namamayaning positibistang pananaw (na inuugat sa Alemang historyador ng ika-19 na dantaon na si Leopold von Ranke). Noong Dekada ’50 pa lang, masusulyapan na ang pagsalungat ni White sa tradisyong positibista nang tawagin niya si Ranke bilang “kawawang nilalang na nagkandabulag sa paghahanap ng ‘kung ano ang tunay na nangyari’”(Paul, 2011, p.105). Para kay White, ang nakaraan per se (bilang nakaraan) ay isang “walang-kahulugang katotohanan” (meaningless reality) lamang. Binibigyang kahulugan ng mga historyador ang nakaraan sa pamamagitan ng mga naratibo na siyang humuhugis at nagtatakda sa kahulugan. Sa magnum opus ni White na pinamagatang Metahistory: The Historical Imagination in Nineteenth-Century Europe (1973), inilalatag niya ang ibat-ibang pagbabanghay (emplotment) at tropos (tropes)na implisitong sinusundan at sinasandigan ng mga (positibistang) historyador upang magkaroon ng makatotohanang naratibo.

Keywords