Humanities Diliman (Jun 2013)

Ang Kasaysayan at Panitikan sa Pagbuo ng Bayan: Rebyu ng Nobelang The Feet of Juan Bacnang ni F. Sionil Jose

  • Moreal Nagarit Camba

Journal volume & issue
Vol. 10, no. 1
pp. 112 – 118

Abstract

Read online

Mababasa sa The Feet of Juan Bacnang (2011), ang pinakabagong nobela ni F. (Francisco) Sionil Jose o Frankie sa kanyang mga kaibigan, ang mahigpit na ugnayan ng manunulat at ng kanyang bayan. Siya ang nagsisilbing zeitgeist ng maraming panahon; ang espiritu at boses ng nakaraan at kasalukuyan, isang manunulat na kumakatha ng mga akdang sumasalamin sa mayamang karanasan at kasaysayan ng kultura at lahing pinag-usbungan. Kung saan ang kanyang nobelang Juan Bacnang, katulad ng iba pa niyang naunang mga nobela, bagamat likhang-isip, ay repleksyon ng buhay, pasakit, at aspirasyon ng manunulat at lipunang lumikha rito; mga tunguhing hindi nalalayo sa layunin ng mga ninuno nitong anyong panitikan, ang mga epiko at kuwentong bayan. Ibig sabihin, ang akda bilang Weltanschauung na ayon kay Terry Eagleton ay “partikular na paraan ng pagtingin sa mundo; na may kaugnayan sa gahum na nagtatakda kung paano tingnan ang mundo na maituturing na ‘pag-iisip ng lipunan’ o ideyolohiya ng panahon”1 (sinipi ni Geok-Lin Lim A Modern National Epic 74). Dagdag pa rito, ang kanyang (mga) nobela, partikular ang Juan Bacnang, ay nagsisilbing “siwang sa mga kurtinang-papel” sa kasaysayan;2 mga tala ng karanasan at pang-araw-araw na buhay, na madalas hindi naisusulat ng mga tradisyunal na historyador. Ito (ang mga tala), ayon kay Pierre Macherey, ang mga puwang o pinipi na boses na naisantabi ng maraming akdang pangkasaysayan (sinipi ni Eagleton Marxism and Literary Criticism 34-35).

Keywords